another work >.<

such a mess


kahit stress na stress na sa school and stuffs ~smile lang :D

*haggard face* *epic face* 

~haha nakakalungkot isipin na ung mga kasabayan mo nung hayskul e gagraduate na this school year pero ikaw e nag aaral pa din dahil sa 5 years and course mo >.< hahah~ ba naman kung ano anong nakapost ang nababasa ko about thesis nila etc.

Godbless! :D 


#epic face  #pacute  #smile  #me  #personal  #haggard  #study  #school  #TT^TT  
10 months ago · 1 note · reblog

nyan~


#me  #nya~  #lol  #personal  #pimple  
11 months ago · 1 note · reblog

I do have a promise to myself

well, dati pa to..

“kung sinuman ung magiging 1st ko bf ko, hopefully sya na din ung last ko.. at kung sakali mang hindi maging kami.. wala ng next pa..”

well, its a secret of mine na hindi na secret kasi nasabi ko na nga..

~~God nagkakasala po ako I’m soooooooo sorry..


#personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog

too random post..

hayy.. hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang lahat, pero kelangan kong simulan to. HAHAHA para na naman akong baliw dito sa kwarto ko. Well so ganito, I have this guy na sobrang minahal ko for so many years, maraming trials, problems, kasiyahan at mga di malilimutang sandali. (I’m starting to cry..) medyo on and off kami and now, ewan ko ba kung wala na talaga or nag iintay lang ng timing.. pero ewan ko.. nakakapagod lang mag intay. Oo, tao lang ako na napapagod lang din na balewalain, paasahin at kung ano ano pa. Pero di ko masisisi ang sarili ko na sabihin nating, “Oo, Mahal ko pa sya.. pero..” hayy ewan ko, nasosobrahan lang ako, sobrang gulo lang ng isip ko.

Then, eto may nakilala naman akong isang guy, well actually medyo matagal ko na ding kilala dahil sa isang friend ko na friend din nya, nakilala ko lang sya talaga dun sa birthday na yun kahit dati pa na nakikita ko na sya sa school, pamilyar.. pero hindi ganoong kabatian o kangitian.. HAHA natatawa na lang ako I started to tell story about how we met blah blah blah.. so ayun hanggang sa naging kakulitan at kangitian ko na sya kapag nagkikita kami. At first I admire him dahil sa galing nya sa arts, particularly sa digital arts..wala lang, hanga lang ako sa kanya then I started na mag-aral din kung pano gumawa ng mga ganun XD parang out of inggit lang yung paggagawa ko ng digital arts ~pero matagal na kong nahihilig sa iba’t ibang arts..  So ayun, nagsimula sa admiration..

Umabot ung time na niloloko loko/tinutukso tukso na ko ko sa kanya dahil na sa kakulitan ko nga sya and blah blah blah.. And I don’t even expect na magkakagusto sya skin.. well inamin nya skin yun habang nagtutuksuhan sa group chat namin ng mga engineers.. hanggang sa magtanong na lang ako kung totoo ba o hindi.. sabi nya totoo nga daw pero hindi ako naniniwala sabi ko? na sabihin nya skin yun kinabukasan in person.. as expected medyo nagkailangan nung simula and then yun.. sinabi na nya.. hanggang sa dumalas ung paguusap namin etc. etc. I admit na naging masaya ako rather sobrang naging masaya ako na nafufullfil nya ung pagkukulang nung isa HAHAHA parang ayoko na ituloy ung kwento.. mag jump na lang ako sa kung ano yung present time..

… habang tumatagal na nagkakasama kami medyo nafafall na din ako sa kanya na ewan at the same time lagi ko na lang naaalala yun isa, ewan ko dahil sa marami silang similarities na which is nagustuhan ko.. ~_~ haha feeling ko ansama na ng image ko, anyway..  basta yun.. di ko maexplain kung ano.. basta naaalala ko sya sa twing nagkakasama kami nito. dunno.. HAHAHA Its been almost a week na hindi ko na sya nakakausap, gusto ko syang kausapin after nung nangyaring sagutan namin.. to say sorry.. (naiiyak na naman ako) I admit to my self na mahal na mahal ko pa sya.. and I can’t see myself having a relationship with others na feeling ko lang nagkakasala ako sa sarili ko. dunno. Ang timang ko lang.. HAHA pero maraming nagsasabi na parang kami na blah blah blah.. >.<

hanggang nangyari na lang ung unexpected thing na yun.. brrrr… don’t want to finish it.. natitimangan na ko sa sarili ko na naiyak ako dito 

HAHAHA bat ba kasi ganto.. ang gulo gulo ko. SOBRA! kung pede lang na mawala na ko, gagawin ko e ng hindi na ganto ang sitwasyon ko. Oo, magulo.. hindi mo nga naintindihan kung anong sinabi ko sa taas dahil sa sobrang gulo lang ng pagkakasabi ko HAHAHA JOKE LANG. ang timang timang ko lang. 


#love life  #me  #personal  #randomness  #etc  #life  #feelings  
1 year ago · reblog

trolololol.. 

ako na ang wala sa tono XD maxadong trying hard XD


#personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog

dunno what to point here,

hindi porke babae ka laging kelangan ikaw yung lalambingin at susuyuin gawing prinsesa at ikaw na lagi ang kailangang intindihin, pero xempre ang mga lalaki tao din sila.. nangangailangan ng pagkalinga.. ika ng daw, ginawa tayong pantay pantay kaya dapat tratuhin natin ang bawat isa ng pantay.. Not to a point na ipipilit na kayang gawin ng isang babae ang kayang gawin ng lalaki. Syempre may mga limitasyon din ang bawat isa, kung makakabuntis lang ang babae ng kapwa nya babae eh edi ang ibang babae nag asawa na ng kapwa nila babae at masayang nabubuhay kasama ng kanilang mga anak, wag mo ko babarahin na may mga tomboy na mga nagsasama sa kanilang magiting na kasintahang babae, at yung iba ay nag ampon na lang para may masabi silang anak anakan. That’s not my point, anyway, basta yun, no need to elaborate kasi tamad ako mag elaborate ng mga bagay bagay na nasasaisip ko LOL

basta yun na yun =P

random thoughts lang ~ XD 


#personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog

sorry about the bg xD and for my voice LOL

just a result of boredom =)


#personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog

ang haba~

Ngayon ko lang napagtanto, parang andami ko palang gustong gawin na hindi lingid sa aking kaalaman, mga gawain na sadyang kakaiba, medyo extreme yung mga bagay na hindi basta basta magagawa ng isang tao XD….

~sadyang ang weird ko lang. Ewan ko medyo madami ding nagsasabi skin na weird akong tao, LOL. Hindi ko din alam sa sarili ko kung pano ako naging weird sa paningin nila, medyo normal lang naman ako sa aking mga ginagawa, Take note ~medyo lang. HAHA ~teka tatawa muna ako saglit medyo natatawa lang ako sa sarili ko. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit ako ganto, sadyang hindi ko pa nga talaga kilala yung tunay na ako, kung sino ba at ano ba talaga yung dahilan ko kung bakit ako nabubuhay. OO, lahat ng tao may reason kung bakit sila nabubuhay, karamihan ay para punan ang mga bagay na pangangailangan ng iba pang tao, makatulong, makapagpasaya at kung ano ano pa. 

hindi ko alam sa sarili ko na naipon na pala yung mga bagay na gusto kong gawin, yung iba simple lang, pang karaniwan at posibleng magawa ng isang tao. Isa sa pinakaimposible na naisip kong gawin at maglakbay sa kalawakan, marahil ikaw naisip mo na din yan, medyo nakakapagtaka lang kung anong mga bagay ang mga naroroon na gustong masilayan ng sarili mong mga mata, mabighani sa kung anong kakaibang makikita at makatuklas ng mga bagay na hindi mo akalaing nag-e-exists pala. 

Hindi halata skin na medyo adventurous akong tao, gusto kong gawin yung mga bagay na kakaiba, medyo makalikot at gustong malaman ang maraming bagay. Mi ultimo isang napakaliit na bagay gustong kalikutin malaman lamang kung ano ba talagang nakapaloob sa isang bagay na yun. Alamin kung anong komposisyon, kung ano ang mga bagay na bumubuo sa isang bagay, medyo redundant yung sinabi ko HAHAHA~ anyway tinatamad na din ako gumamit ng backspace dito kaya ipapagpatuloy ko na lang, nang sa ganoon medyo humaba haba naman tong muling pagsusulat ko ng mga bagay bagay na naiisip ko.

OMG ayan na naman sya, yung feeling mo gusto mong magsulat ng napakaraming bagay ngunit hindi mo alam kung pano mo sya ie-express into words ~_~ yun lang ang problema sakin, andaming Idea na gusto kong ilagay dito ngunit hindi ko alam kung pano ba itatype ang mga bagay na naiisip ko. HAHA~ sadyang magulo lang ang utak ko, madaming naiisip, naiimagine, nararamdaman ngunit hindi masabi kung ano ba talaga ang mga yun. Ako ay isang taong DUNGOL, hirap makisama sa napakaraming tao, hirap magsabi ng saloobin, ngunit pag napuno, HALA ka humanda ka na sa mga sasabihin ko. Medyo contrast yung sasabihin ko na pagkadungol ko at yung pagkapranka ko minsan, ewan ko di ko din maiwasan. Gusto ko lang naman din ay derekta kong sasabihin ang mga bagay bagay wala na yung mga lahok lahok pa, pabulaklakin muna ang mga salita bago mo pa man masabi ang pinakapoint mo. Medyo hirap din ako sa mga ganung bagay eh, kaya asahan mo pag pinagsagot ako ng isang essay, sobrang ikli lang ng sinasabi ko. Humahaba lamang dahil paulit ulit na lamang ang mga nababangit kong salita. Ewan ko, strategy na din siguro yun para pahabain ang mga sulatin.

Medyo sabog ang sulatin na to, asahan nyo na. LOL bat sa huli ko na sinabi? kung kelan tatapusin ko na kung anong mga napapaloob dito ~anyway alam ko naman na medyo kaunti lamang, o walang pumansin sa post na to.. pero okay lang naman yun, personal blog ko naman to at ilalagay ko ang mga bagay na gusto kong ilagay o napupusuan man lang. Medyo ngayon lang ulit naulit na umabot ng gantong kahaba ang post ko, actually hindi pa nga to ganoong kahaba compare dun sa pinakadati kong blog which is nasa friendster nga lang naglaho na si kaibigang friendster ~_~ nawala na lahat ng bagay na sinulat ko noon, nakakatuwa lang naman kasing balik balikan yung mga bagay na nailalathala mo, nakatutuwang basahin kung ano ano ang mga bagay na pumapasok sa isipan mo noong sinusulat mo ang mga pangyayari na gusto mong ibahagi sa mga makakabasa noon.  ~sobrang random ko talaga.. medyo random din sa mood.. moody nga, yun lang. HAHAHA 

hanggang sa muli kong pagsusulat.. pasensya sa random things na nakapaloob dito na sabog at hindi mo maintindihan kung ano ba talaga ang pinararating ng mga katagang nakapaloob sa lathalaing ito. Pagpasensyahan ang mga bagay na sadyang magulo lang talaga. Hindi naman masamang magpaumanhin, pero mapapaisip ka na nasayangan ka lamang ng oras para basahin ang walang kwenta(ewan ko lang) post na to. Medyo kanina pa din ako nagsasabi na tatapusin/huli na tong sinasabi ko ngunit marami pa din akong naidadagdag. HAHA anyway, PROMISE last na to :) HAHAHA 

~hanggang sa susunod na pagsulat ng mga kataga. 


#personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog

~while

staring my self on the mirror… i’ve notice something on my face 

~_~

mustache~”~ nagmumuka lalo akong lalaki


#personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog

convo

~the moment when we’re talking on the phone… then mapapapunta sa kanya yung usapan. It really annoys me. Why her? ~kaya minsan di ko na lang pinagtutuunan ng pansin e


#personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog

~lalo lang akong nababadtrip

hayyy.. nakakainis ka, lahat na binlock. Tanging text msg na lang ang nag uugnay, kaso alam mo yun? ang gastos.. wala na nga akong pera eh tapos ganyan ka pa. inadd kita dun sa isa ko pang account, kaso lang pati yun binlock mo pa.  Nakakapuno lang. Kung ayaw wag. ~_~ nakakapagmura ako ng di oras e. pede namang iignore na lang hindi yung iboblock pa. Bitter mo teh? pasensya sa pag sisiksikan sa sarili ko. Mukha naman wala na kong puwang dyan.


#bitter  #you  #hate  #love  #personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog

~That thing

na sobra kang nabo-bother sa sinabi nya. Dunno what to feel, basta magulo na tipong hindi mo na alam kung anong gagawin mo. I find it difficult to say things what’s really on  my mind ~_~ helpless lng.. HAHAHA~ ewan ko, sadyang dungol lng >.<


#personal  #random  #life  #me  
1 year ago · reblog